Karagdagang pondo para sa bakuna vs polio, tiyak na ayon sa Kamara

By Erwin Aguilon September 26, 2019 - 07:06 PM

Nakahanap na ng Kamara ng pagkukunan ng karagdagan pondo para sa bakuna kontra polio.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy, karagdagang P250 milyon ang ilalaan ng House Committee on Appropriations para sa bakuna sa sakit na polio sa mga batang may edad na 5 taon pababa.

Sinabi nito na kukunin ang pondo para sa bakuna sa polio sa ilalim ng emergency fund ng Department of Health (DOH).

Sinabi din ni Herrera na binawi ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaalis sa atin sa mga bansang polio-free.

Subalit, nanawagan naman ang lady solon sa mga magulang na kahit itinuturing pa rin na polio-free ang bansa ay hindi ito dapat ipagsawalang bahala at pabakunahan pa rin ang mga anak.

Paglilinaw ni Herrera, hindi ito experiment lang dahil napatunayan na epektibo ang polio vaccine mula pa noong September 29, 1979 kung saan aabot sa 2 bilyong mga bata ang nakaiwas sa sakit.

TAGS: bakuna, Bernadette Herrera-Dy, doh, Polio, pondo, bakuna, Bernadette Herrera-Dy, doh, Polio, pondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.