Pangulong Duterte, buo pa rin ang tiwala kay PNP chief Albayalde

By Chona Yu September 26, 2019 - 07:03 PM

Buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.

Ito ay matapos lumutang ang pangalan ni Albayalde na isa sa mga protektor ng ninja cops.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hanggat wala pang inaanunsyo ang pangulo, nananatili ang trust at confidence nito kay Albayalde.

Bukod dito, hindi pa naman napatutunayang guilty si Albayalde sa operasyon ng ilegal na droga.

Pero pagtitiyak ni Panelo, sakaling mapatunayang sangkot si Albayalde sa ilegal na gawain, tiyak na sibak sa serbisyo ito.

Malinaw aniya ang polisiya ng pangulo na hindi niya paiiralin ang pagiging magkaibigan, kamag-anak o kumpare para panatilihin pa sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na may ginagawang kalokohan.

Bukod sa pagkasibak, maaring makasuhan ng administratibo at kriminal ang sinumang opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa ilegal na gawain.

TAGS: ninja cops, PNP, PNP chief General Oscar Albayalde, Rodrigo Duterte, ninja cops, PNP, PNP chief General Oscar Albayalde, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.