Pangulong Duterte, mahal din si US Pres. Donald Trump

File Photo

“I think he loves him too.”

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa mensahe ni US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na mahal niya ang punong ehekutibo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dahil sa magkapareho ang style nina Pangulong Duterte at President Trump, hindi malayo na magkaroon sila ng mutual admiration.

“Let me tell you this, you know if you recall, the style of the President was much earlier than Trump. Bago pa nagkaroon ng Trump, may Duterte na e. Nagulat nga tayong lahat na ganun din ang style. Siyempre kung ganyan pareho ang style niyo edi meron kayong mutual admiration,” pahayag ni Panelo.

Tinitiyak aniya ng pangulo kay Trump na tuloy pa rin ang defense ties ng Pilipinas at Amerika kahit na nakikipag-negosasyon ang bansa sa Russia at China.

Hindi aniya ito nangangahulugan na sira na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi pa ni Panelo na palagi namang bukas ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa lalo na kung kapaki-pakinabang ito sa bansa.

“Sabi naman ni President diba it doesn’t mean na nakikipag-deal ako sa Russia at China ay sira na ang relasyon sa US, nandiyan pa rin. Basta beneficial sa atin we’ll be always open,” ani Panelo.

Una rito, sinabi ni Trump kay Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin Jr. sa New York na pakisabi kay Frank Sinatra ng Pilipinas na si Pangulong Duterte na, “I love that guy.”

Read more...