Nag-donate ang Republic of Korea ng mahigit 100 motorbikes sa Philippine National Police (PNP).
Sa turnover ceremony sa Camp Crame, tinanggap ng PNP kasama sina PNP chief Gen. Oscar Albayalde at DILG Secretary Eduardo Año ang nasa 142 na motorbikes mula sa gobyerno ng Korea sa ilalim ng Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Present din sa turnover ceremony sina Korean ambassador Han Dong-Man at Commissioner General of the Korea National Police Agency Min Gab-Ryong.
Ayon kay Albayalde, ipamamahagi ang mga motorbike sa Metro Manila, Angeles City, Baguio City, Cebu City at Davao City.
Layon nito na mapaigting ang anti-criminatiliy drive ng PNP.
MOST READ
LATEST STORIES