Ninja cops burado na; Police scalawags, talamak – Malakanyang

By Chona Yu September 26, 2019 - 03:31 PM


“Wala ng ninja cops sa Pilipinas”

Ito ang naging pahayag ng palasyo ng Malakanyang matapos ang pagpupulong kagabi sa nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa report ni Albyalde sa pangulo, matagal nang nabuwag ang ninja cops pero talamak naman aniya ang police scalawags.

Paliwanag ni Panelo, ang pagkakaiba ng ‘ninja cops’ sa police scalawags ay isang organisadong sindikato ang ninja cops habang ang police scalawags ay mga pulis na sangkot sa illegal na droga pero hindi miyembro ng sindikato at kanya kanyang diskarte para kumita ng pera.

Sinabi pa ni Panelo na kaya nabuwag na ang ninja cops dahil karamihan sa kanila ay napatay na, natanggal na sa serbisyo, naaresto na o di kaya ay matatanda na para masangkot pa sa operasyon ng illegal na droga.

Ayon kay Panelo, sakaling may matanggap na impormasyon ang pangulo na mayroon pang ninja cops o police scalawags, agad itong isasaialiam sa verification at saka bibigyan ng kaukulang aksyon.

Una rito, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na limampu’t tatlong aktibong pulis pa ang ninja cops ngayon.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

 

TAGS: Brig. Gen. Oscar Albayalde, ninja cops, PDEA director general Aaron Aquino, police scalawags, Presidential spokesman Salvador Panelo, Brig. Gen. Oscar Albayalde, ninja cops, PDEA director general Aaron Aquino, police scalawags, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.