Bahala na si Pangulong Duterte kung iaanunsiyo o hindi ang pangalan ng mga ‘ninja cop’ – Albayalde

JUNE 20, 2018 PNP Chief Oscar Albayalde during a press briefing at NHQ, Camp Crame, Quezon City. INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte kung iaanunsiyo ang pangalan ng mga ‘ninja cop.’

Sa turnover ceremony ng ibinigay na motorsiklo ng Korea sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na hayaang bigyan ng sapat na panahon ang pangulo para magdesisyon ukol dito.

Noong araw ng Miyerkules (September 25), nagpulong aniya sila ng Punong Ehekutibo.

Nagbigay aniya siya ng update ukol sa sitwasyon ng kampanya kontra sa ilegal na droga.

Ayon sa PNP chief, binigay niya ang sariling listahan ng PNP ng ‘ninja cops.’

Hindi naman binanggit ni Albayalde kung ilang pasaway na pulis ang kabilang sa nasabing listahan.

Samantala, tiniyak ni Albayalde na patuloy ang aksyon ng PNP laban sa mga tiwaling pulis sa tulong ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Read more...