Presyo ng 120 na gamot, target bawasan ng DOH

By Angellic Jordan September 26, 2019 - 03:17 PM

Target ng Department of Health (DOH) na irekomenda ang pagbabawas ng presyo sa ilalim ng maximum drug retail price (MDRP) ng ilang gamot.

Naglabas ang DOH ng listahan ng 120 na mamahaling gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung diseases, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis.

Sa isang press conference, sinabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo na ang matataas na presyo ng mga gamot ay nakakaapekto sa kalusugan ng maraming Filipino.

Dapat aniyang babaan ang presyo ng mga gamot para mas maraming Filipino ang magkaroon ng mas maayos na kalusugan.

Ani Domingo, sa pagbaba ng presyo, hindi naman aniya pababayaang malugi ang mga pharmaceutical company.

Sa ilalim ng MDRP, inaasahang magkakaroon gn average price reduction na 56 porsyento ang mga piling gamot sa merkado.

Ayon kay Dr. John Wong, chairman ng Drug Price Advisory Council, ang 120 na gamot ay napili para mabawasan ang presyo base sa average prices sa southeast Asian countries.

Aniya, sisiguraduhin ng kanilang ahensya na magiging abot-kamay na ang gamot sa mga Filipino at kasabay nito ay magiging patas naman sa mga kumpanya.

TAGS: chairman ng Drug Price Advisory Council, Department of Health, DOH Undersecretary Eric Domingo, Dr. John Wong, maximum drug retail price (MDRP), chairman ng Drug Price Advisory Council, Department of Health, DOH Undersecretary Eric Domingo, Dr. John Wong, maximum drug retail price (MDRP)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.