4 sugatan, 100 pamilya apektado ng sunog sa Ermita Manila
(UPDATED) Sugatan ang apat na estudyante sa sumiklab na sunog sa Ermita, Manila araw ng Huwebes.
Naganap ang sunog sa bahagi ng Zobel Street at Ayala Street kanto ng San Marcelino Street.
Sa paunang ulat ng Manila Fire District, umabot sa 100 na pamilya,
900 na estudyante o katumbas ng 1,000 indibidwal ang apektado ng sunog.
Karamihan sa mga nasunog ay mga dormitory o mga paupahan at mga business establishment.
Nagsimula ang sunog bandang 12:19 ng tanghali.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay kung kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalimang alarma bandang 12:48 ng tanghali.
Halos apat na oras tumagal ang sunog at pasado 4:00 ng hapon idineklara itong fire out.
Ayon kay Fire Inspector Alejandro Ramos, hepe ng Public Information Section ng Manila Fire District, tinatayang P5 milyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa lugar.
Sinuspende naman ang mga klase ng Adamson University dahil likod lang nito ang pinamgyarihan ng sunog.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbistigasyon ng Manila Fire District para malaman ang sanhi ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.