Sniper ng Maute Terror group hinatulang makulang ng 40 taon ng korte sa QC
Guilty ang hatol ng korte sa Quezon City laban sa isang miyembro ng Maute Terrorist Group.
Hinatulang makulong ng hanggang 40 taon si Unday Macadato alyas Solaiman Omar ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 sa kasong illegal possession of explosives.
Si Macadato ay nadakip sa Cubao noong May 2018 matpaos isumbong ng mga residente ang kaniyang presensya sa lugar.
Nagbabanta umano si Macadato at nagyayabang na siya ay may kuneksyon sa Maute.
Noong siya ay naaresto, nakumpiska sa kaniya ang isang granda at itim na ISIS flag.
Si Macadato ay kasama sa martial law list sa Mindanao at sniper umano ng Maute noong 2017 Marawi siege.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.