DOH kinumpirmang diphtheria ang ikinasawi ng 10 taong gulang na bata sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2019 - 01:01 PM

Kumpirmadong diphtheria nga ang ikinasawi ng isang 10 taong gulang na bata sa Maynila.

Ginawa ni Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo ang kumpirmasyon matapos mapaulat ang pagkasawi ng isang Grade 4 student ng Jacinto Zamora Elementary School.

Ang bata ay nilagnat, nakitaan ng rashes at singaw sa bibig noong September 13 at noong September 20 ay pumanaw ito.

Muli ay hinimok ni Domingo ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra sa nasabing sakit.

Mula January hanggang September ngayong taon, nakapagtala na ng 167 na kaso ng diphtheria kung saan mayroong 40 na nasawi.

TAGS: department of health, diphtheria, doh, vaccine, department of health, diphtheria, doh, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.