10 taon matapos manalasa ang bagyong Ondoy; mga naapektuhan ng bagyo nangangailangan pa rin ng post-disaster counselling

Inquirer photo
Marami pa ring naapektuhan ng bagyong Ondoy ang hindi pa nalilimutan ang kanilang sinapit, 10 taon na ang nakararaan.

Isang dekada matapos manalasa sa bansa ang bagyo noong September 2009 na nakaapekto sa 4.9 million na mga Filipino ay karamihan sa mga biktima nito ay nangangailangan pa rin ng post-disaster counselling

Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR), nananatili ang trauma sa mga naapektuhan ng bagyo partikular sa mga binahang komunidad sa Marikina City.

Sinabi ni CWR executive director Jojo Guan, dapat ay mayroong long-term monitoring ang local government units at national government agencies sa mga biktima ng bagyo para mabantayan ang kanilang health status at matutukan ang kanilang psychosocial wellbeing.

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng pagbisita ang CWR sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa Marikina City at ang mga babaeng biktima ng bagyo ay nabigyang pagkakataon na ilahad ang kani-kanilang storya noong nananalasa ang Ondoy.

Read more...