Magkakapatid na Sy nanguna sa Forbes list ng pinakamayayaman sa Pilipinas
Ang magkakapatid na Sy ang nananatiling pinakamayaman sa bansa base sa inilabas nga listahan ng Forbes.
Sa “2019 Forbes Philippines Rich” list, mayroong net worth na $17.2 billion ang Sy siblings na mula sa kanilang market-leading property, banking at retailing businesses.
Noong mga nagdaang taon ay ang kanilang ama na si Henry Sy ang nasa unang pwesto, at dahil minanana ng magkakakapatid na Sy ang iniwang yaman ng kanilang ama ay sila na ang nasa number 1.
Ang anim na magkakapatid na Sy ay kinabibilangan nina Teresita (Sy-Coson), Elizabeth, Henry “Big Boy” Jr., Hans, Herbert at Harley.
Pasok dinsa top 10 ang Ty siSlings ng GT Capital na kinabibilangan ng magkakapatid na Arthur, Alfred, Alesandra at Anjanette.
Nasa pang-9 na pwesto ang magkakapatid na mayroong pinagsamang net worth na $2.6 billion na mula naman sa mana nila sa yumaong ama na si George Ty.
Narito ang top 10 ng mga pinakamayayaman sa Pilipinas:
1) Sy siblings; US$17.2 billion
2) Manuel Villar; $6.6 billion
3) John Gokongwei, Jr.; $5.3 billion
4) Enrique Razon, Jr.; $5.1 billion
5) Jaime Zobel de Ayala; $3.7 billion
6) Lucio Tan; $3.6 billion
7) Tony Tan Caktiong; $3 billion
8) Ramon Ang; $2.8 billion
9) Ty siblings; $2.6 billion
10) Andrew Tan; $2.55 billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.