2 sugatan sa banggaan ng UV at motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City

Dalawa ang sugatan sa aksidente na naganap sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Duguan at nakahandusay ang lalaking driver ng motorsiklo habang hindi rin makatayo ang sakay niyang babae.

Nangyari ang aksidente pasado alas 10:00 ng umaga ng Huwebes, Sept. 26 sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue bago sumapit sa St. Peter’s Church.

Nabangga umano ng UV Express ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawa.

Tumigil naman si Felix Morales, ang driver ng UV Exoress na biyaheng Trinoma – SM Fairview – Lagro.

Itinanggi nitong nakaladkad niya ang motorsiklo ng dalawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...