Apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2019 - 10:40 AM

Arestado ang apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga City.

Nadakip ang apat ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at militar sa Barangay Baliwasan, Huwebes (Sept 26) ng madaling araw.

Pinuntahan ng mga otoridad ang isang boarding house sa nasabing barangay bitbit ang search warrant at nadatnan ang apat.

Nakumpiska sa kanila ang mga bala at mga sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Pinaniniwalaan namang napigilan ang pinaplanong pag-atake ng naturang grupo dahil may idaraos na Hermosa Festival sa Zamboanga City.

TAGS: abu sayyaf group, ASG, Zamboanga City, abu sayyaf group, ASG, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.