Dating pulis arestado sa buy-bust sa Albay

Arestado ang isang dating pulis sa ikinasang buy-bust operation na ikinasa sa Daraga, Albay.

Ayon kay Capt. Dexter Panganiban, Albay provincial police spokesperson dinakip si Zandro Oscillada, 47 anyos matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa Barangay San Roque.

Nakuha sa kaniya ang limang sachet ng hinihinalang shabu.

Si Oscillada ay sinibak sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagiging AWOL.

Nang mawala sa serbisyo ay nagtulak ng ilegal na droga ang suspek.

 

Read more...