P10,000, laman ng mga bank acocunts  ni ex-CJ Corona

By Jay Dones January 08, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng naunang napapabalitang aabot sa P131 milyon ang kabuuang assets na pagma-may ari ni dating Chief Justice Renato Corona, nasa P10,000 pa lamang ang perang isinailalim sa ‘freeze order’ ng korte na nakapaloob sa mga bank accounts nito.

Ang nasabing halaga ang ipinag-utos ng Sandiganbayan na isailalim sa  ‘writ of preliminary attachment’ o freeze order bilang bahagi ng civil forfeiture case na kinakaharap ng mag-asawang Renato at Cristina Corona.

Batay sa accomplishment report ni sheriff Alexander Valencia sa Sandiganbayan Second Division, sinabi nitong naglalaman lamang ng kabuuang P2,158.94 ang bank account na nakapangalan sa ilalim ng dating Chief Justice sa Land Bank of the Philippines, Taft Ave., Manila Branch.

Una rito, noong March 2015, isinailalim na rin sa freeze order ang bank account ni Cristina Corona sa BPI na naglalalaman na lamang ng P1,056.27

Isa pang account nito sa PNB Diliman, Quezon City ang lumitaw na naglalaman rin lamang ng P6,524.71.

April 28, 2015 naman nang i-garnish  ng korte ang Banco De Oro account Loyola Heights-Berkeley Residences Branch ni Renato Corona na nagpag-alamang nagtataglay lamang ng P615.06.

Bukod dito, anim pang bangko ang nagsabing walang bank accounts ang mag-asawa sa kani-kanilang mga bangko.

Matatandaang kinasuhan ng Ombudsman ng  walong counts ng perjury at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating CJ Corona dahil sa umano’y hindi pagsasabi ng katotohanan sa kanyang Statement of assests Liabilities and Net Worth o SAL-N.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.