Matinding traffic sa SLEX northbound mararanasan pa rin ng mga motorista
Umapela ang pamunuan ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. sa mga motorista na dumaraan sa South Luzon Expressway na magbaon ng mahaba-habang pasensya.
Ayon sa abiso ng SMC Tollways, mararanasan pa rin ang matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa SLEX Northbound dahil sa isinarang bahagi sa Alabang Viaduct para bigyang daan ang Skyway Construction Project.
Pinaglalaan din ng dagdag na 1 hanggang 2 oras ang mga motorista sa kanilang mga biyahe.
Huwebes (Sept. 26) ng umaga matindi pa rin nag traffic na naranasan sa SLEX Northbound.
Pasado alas 9:00 ng umaga ay umabot na sa Carmona Exit ang tail-end ng traffic.
Noong Miyerkules, umabot pa sa Sta. Rosa Exit ang tail-end ng traffic sa SLEX northbound.
Wala pa namang abiso ang SMC Tollways kung hanggang kailan tatagal ang pagsasara sa bahagi ng Alabang Viaduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.