Ginawa ng kalihim ang hakbang dahil sa napaulat na iregularidad sa pagbili ng database system mula sa Polaris Tools Ltd. na pinagkalooban ng proyekto nang walang ginaganap na public bidding, malinaw na paglabag sa batas ng procurement ng Pilipinas.
Kasabay nito ay ipinag-utos din ng kalihim ang pormal na imbestigasyon laban kay dating Hong Kong Labor Attaché Jalilo de la Torre upang matukoy ang kanyang kriminal na pananagutan.
Una nang bumuo ng fact-finding team si Bello na pinamumunuan ni Undersecretary Claro Arellano, tanging trabaho ng team na alamin ang isyung kinasasangkutan ng mga opisyal ng POLO at computer systems providers na Employeasy Limited at Polaris Tools sa Hong Kong.