“Midnight Online Deal” ng mga opisyal ng labor office sa Hong Kong, kinansela ng DOLE

By Ricky Brozas September 26, 2019 - 09:11 AM

Iniutos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagkansela sa “midnight deal” na pinasukan ng mga opisyal ng Philippines Overseas Labor Office o POLO sa Hong Kong patungkol sa pagkuha ng service provider para sa online system ng pag-uulat at pagproseso ng OFWs sa naturang teritoryo.

Ginawa ng kalihim ang hakbang dahil sa napaulat na iregularidad sa pagbili ng database system mula sa Polaris Tools Ltd. na pinagkalooban ng proyekto nang walang ginaganap na public bidding, malinaw na paglabag sa batas ng procurement ng Pilipinas.

Kasabay nito ay ipinag-utos din ng kalihim ang pormal na imbestigasyon laban kay dating Hong Kong Labor Attaché Jalilo de la Torre upang matukoy ang kanyang kriminal na pananagutan.

Una nang bumuo ng fact-finding team si Bello na pinamumunuan ni Undersecretary Claro Arellano, tanging trabaho ng team na alamin ang isyung kinasasangkutan ng mga opisyal ng POLO at computer systems providers na Employeasy Limited at Polaris Tools sa Hong Kong.

TAGS: Hong Kong, midnight deals, Philippines Overseas Labor Office, Hong Kong, midnight deals, Philippines Overseas Labor Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.