Panukalang 2020 budget patuloy na pinababantayan ng Makabayan Bloc

By Erwin Aguilon September 26, 2019 - 09:02 AM

Patuloy na pinababantayan ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pambansang pondo sa kabila ng pag-atras ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang paratang sa Kamara may kaugnayan sa pork barrel para sa mga deputy speaker.

Sinabi ni Zarate na bagaman nagbago na ang statement ni Lacson at pinabulaanan na rin ng Kamara na may ganoong pondo na dapat ay patuloy pa ring bantayan ang panukalang budget sa susunod na taon.

Ang pinal na bersyon aniya ng General Appropriations Bill lamang ang makapagsasabi kung may pork20 barrel nga ba o wala.

Aminado naman ito na wala siyang alam sa sinasabi ni Lacson na P1.5 billion para sa mga deputy speaker.

Samantala, itinanggi naman ni Deputy Speaker for Finance L-Ray Villafuerte na siya ang may ideya na magdagdag ng P1.5 billion para sa kada isang deputy speaker.

Hindi aniya makatwiran, walang basehan at produkto lang ng malawak na imahinasyon ang mga paratang laban sa kaniya.

TAGS: 2020 national budget, General Appropriations Bill, Makabayan bloc, 2020 national budget, General Appropriations Bill, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.