Kyrie Irving nagtamo ng facial bone fracture

Nagtamo ng fracture sa kaniyang facial bone si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving.

Nangyari ang aksidente sa pickup game ng koponan ayon sa general manager ng Nets na si Sean Marks.

Agad dinala sa ospital si Kyrie matapos ang insidente.

Ito ang unang season ng 27 anyos na si Irving sa Nets matapos siyang lumagda ng apat na taong kontrata sa koponan.

Si Irving ang aasahan ng koponan sa sandaling magbukas na ang season habang hindi pa kayang maglaro ni Kevin Durant na nagpapagaling naman sa operasyon sa kaniyang Achilles.

 

Read more...