Bagong managing director ng IMF pinangalanan na
Si Kristalina Georgieva ng Bulgaria ang napili bilang bagong managing director ng International Monetary Fund (IMF).
Si Georgieva ang ikalawang babae na mamumuno sa 189-member institution sa kasaysayan.
Siya ay dating CEO ng World Bank.
Sinabi ni Georgieva na isang malaking responsibilidad para sa kaniya ang pamunuan ang IMF lalo sa panahong nakararanas ng problema sa global economic growth at trade tensions.
Sa October 1 pormal na magsisimula si Georgieva sa pwesto.
Papalitan niya si Christine Lagarde na nagbitiw sa pwesto at inaasahang mamumuno naman sa European Central Bank
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.