Cagwait, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2019 - 05:24 AM

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Cagwait sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 75 kilometers southeast ng Cagwait alas 4:57 ng umaga ng Huwebes, Sept. 26.

Tectonic ang origin ng lindol at 5 kilometers lang ang lalim.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Samantala niyanig din ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng General Luna sa Surigao del Norte.

Naitala ang pagyanig sa layong 7 kilometers southeast ng General Luna alas 4:54 ng umaga.

TAGS: cagwait surigao del sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, cagwait surigao del sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.