Sa talumpati sa corporate launch ng isang real estate developer sa Parañaque, sinabi ng pangulo na inatasan niya ang pulisya na hulihin buhay man o patay ang mga banyaga na sangkot sa loan shark abductions.
Ang babala ng pangulo ay sa gitna ng mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals sa bansa.
Ayon kay Duterte, maraming foreign nationals ang pumupunta sa Pilipinas para magpahiram ng pera ngunit kapag hindi nakabayad sa utang ang pinahiram ay kinikidnap ito at ang iba ay pinapatay pa.
“For those who are there, those foreigners, I will not particularize, but there are foreigners who come here to play their trade, lending money and if the debtor cannot pay, they kidnap and sometimes they ask for ransom. And even with the delivery of the money for ransom, they just go ahead and kill the victim,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang foreign nationals na masasangkot sa kidnap-for-ransom kung hindi nila ititigil ang iligal na gawain.
“You know, we’re good friends with everybody. But I will not hesitate even to tell your ambassador I killed your — your idiot citizen because he was f****** in my country. I told you not,” dagdag ng pangulo.
Utos anya niya sa pulisya, hulihin ang mga loan shark abductors buhay man o patay upang hindi na makagawa pa ng krimen sa pinagmulan mang bansa o sa Pilipinas.
“There is no other order to the police. It’s to capture you dead or alive. Preferably dead so that you cannot go back to your country to do crime again and be back again in my country to do another,” ani Duterte.