WHO: 1 sa kada 3 bata, nanganganib na magkaroon ng polio

By Rhommel Balasbas September 26, 2019 - 04:49 AM

Isa sa tatlong bata edad limang taong gulang pababa ang nanganganib na mahawaan ng polio at iba pang sakit dahil sa mababang vaccination rate sa Pilipinas ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa pulong balitaan araw ng Miyerkules, iginiit ni WHO representative to the Philippines Rabindra Abeyasinghe na dapat maitaas ang immunization rate ng Pilipinas para sa polio.

Sa ngayon anya ay nasa 66 percent lamang ang immunization rate ng bansa para sa polio, mas mababa sa target na 95 percent.

Ayon Abeyasinghe, kapag naabot ang 95 percent immunization coverage, kahit ang mga hindi nabakunahang bata ay mapoprotektahan laban sa sakit.

Giit ng WHO representative, matagal nang napatunayan na epektibo at ligtas ang mga bakuna para maiwasan ang outbreak ng mga nakahahawang sakit.

Hinikayat naman ni Abeyasinghe ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ng three doses ng oral polio vaccine.

Sinegundahan din ng WHO ang pahayag ng Department of Health (DOH) na nananatiling polio-free ang Pillipinas dahil hindi naman dahil sa wild poliovirus ang mga naitalang kaso sa bansa.

 

TAGS: bakuna, doh, nanganganib, Polio, WHO, bakuna, doh, nanganganib, Polio, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.