MMDA enforcers, hindi na magda-‘diaper’ sa ‘Traslacion’

By Kathleen Betina Aenlle January 08, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Taliwas sa ginawa noong nakaraang taon, hindi na pagagamitin ng ‘adult diapers’ ang mga enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipapakalat para sa prusisyon ng Poong Itim na Nazareno.

Kinumpirma ito ni MMDA Chairman Emerson Carlos, at idinagdag na wala nang natira sa kanilang mga stock noong 2015 dahil ipinamigay itong lahat sa mga idineploy noon.

Matatandaang noong 2015, sa ilalim ng pamumuno ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino, pinagsuot ng adult diapers ang mga traffic enforcers dahil sa inaasahang kakulangan ng portable toilets na ipapakalat sa mga lansangan ng Maynila sa kasagsagan ng prusisyon.

Ngunit matapos batikusin ng publiko ang ganitong sistema, sinabi ng MMDA na ang pagsusuot ng adult diaper ay “optional” na lamang, o depende na sa kagustuhan ng mismong enforcer.

Magaganap ang Pista ng Itim na Nazareno sa Sabado, January 9, na dinadagsa ng milyun-milyong mga deboto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.