Calvin Abueva pwede na muling mag-practice sa Phoenix

By Len Montaño September 26, 2019 - 03:55 AM

Pwede na muling sumama ang kontrobersyal na player na si Calvin Abueva sa practice ng team nito na Phoenix Pulse.

Ang go signal ng PBA ay makalipas ang tatlong buwan nang bigyan ito ng liga ng indefinite suspension.

Sa ulat ng Spin.ph, nagpulong sina Abueva, PBA commissioner Willie Marcial at ilang opisyal ng kanyang koponan at ng liga.

Ayon kay Marcial, pinayagan niya ang hiling ni Abueva na mabalik na sa practice ng Phoenix.

Ikinatwiran anya ng player na tumataba na ito kaya kailangan na muling maglaro para bumalik ang pangangatawan.

Pero kahit pwede nang sumama sa practice ng kanyang team, wala pang timetable kung kailan pwedeng bumalik si Abueva sa PBA.

Kailangan umanong dumaan si Abueva sa tamang proseso at may mga kundisyon pa para matanggal ang kanyang suspensyon.

Matatandaang sinuspinde si Abueva matapos nitong tirahin si Terrence Jones ng TNT at naging pasaway ito sa paglalaro sa ibang liga bukod sa PBA.

Inireklamo rin si Abueva ng asawa nito ng umanoy pananakit, bagay na kanyang itinanggi.

 

TAGS: calvin abueva, indefinite suspension, PBA, Phoenix Pulse, practice, calvin abueva, indefinite suspension, PBA, Phoenix Pulse, practice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.