Rita Daniela at Alex Gonzaga nagkaayos na

By Len Montaño September 26, 2019 - 03:26 AM

Nagkaayos na sina Rita Daniela at Alex Gonzaga matapos ang isyu ng umanoy isnaban.

Nag-ugat ang isyu sa post ni Lolit Solis na inisnab umano ni Alex si Rita at ka love team nitong si Ken Chan sa isang airport.

Ayaw nang palakihin ni Rita ang isyu dahil nagkausap na anya sila ni Alex at settled na ang pangyayari.

Naintindihan umano nina Rita at Ken ang sitwasyon dahil baka may pinagdadaanan o pagod lamang si Alex.

Para sa magka-love team, hindi big deal at huwag anilang masamain ang ginawa ni Alex.

Una nang itinanggi ni Alex na inisnab niya ang dalawa, katunayan ay binati at kinamayan umano nito sina Rita at Ken.

Sinabi pa ni Alex na mali ang source ni Lolit at pinasalamatan nito ang talent manager dahil sa anyay “heartwarming” na mga salita para sa kanya.

 

TAGS: Airport, Alex Gonzaga, big deal, heartwarming, isnaban, Ken Chan, Lolit Solis, nagkaayos na, Rita Daniela, Airport, Alex Gonzaga, big deal, heartwarming, isnaban, Ken Chan, Lolit Solis, nagkaayos na, Rita Daniela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.