50 ‘pasaway’ na mga pulis sasailalim sa reformation program
Patuloy ang internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) at pinakahuling hakbang ay ang pagpapadala ng 50 “pasaway” na mga pulis sa reformation program.
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, sasailalim ang mga pulis sa 30 araw na reformation program na Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement for Police Officer in Line with Internal Cleansing Efforts (FORM POLICE).
Kasama sa programa ang mga pulis mula sa Police Regional Offices sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon.
Gayundin mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), Intelligence Group, Internal Affairs at Directorate for Intelligence.
Ang mga pulis na kasama sa reformation program ay iyong may mga kasong administratibo at kriminal.
Ang ilan sa mga ito ay may kinakaharap na reklamo sa Office of the Ombudsman gaya ng maltreatment at crimes against persons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.