NAMFREL tutol na ipagpaliban ang 2020 Brgy. at SK elections
Hindi pabor ang National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) sa planong ipagpaliban ang 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Iginiit ng NAMFREL na taliwas sa principle of regularity ang pagpapaliban ng naturang halalan.
Anila, kahit walang mandato mula sa mga botante, papalawigin ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay.
Pahayag pa ng grupo, ipagkakait ng gobyerno ang karapatan ng publiko para pumili o bumoto ng gusto nilang opisyal na mamuno sa kani-kanilang barangay.
Kamakailan, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas para sa planong gawin sa Disyembre 2022 ang barangay at SK elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.