Mayor Junjun Binay, suspendido na naman

June 29, 2015 - 07:26 PM

mayor junjun binay
Kuha ni Ruel Perez

Muling naglabas ng suspension order ang Office of the Ombudsman laban kay Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at iba pang opisyal ng lungsod.

May kinalaman ito sa umano’y anumalya sa konstruksyon ng Makati Science High School Building.

Ayon kay Joey Salgado, ang Media Affairs Head ni Vice President Jejomar Binay, natanggap na ng ilang opisyal ang suspension order.

Nanindigan naman ang abogado ni Mayor Binay na si Atty. Claro Certeza na mahina ang kaso laban sa alkalde dahil dumaan aniya sa tamang proseso ang pagpapatayo ng nasabing paaralan.

Nakatakdang maghain ng apela ang panig ng alkalde sa Court of Appeals.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pinasususpinde ng Ombudsman si Mayor Binay dahil sa kinasasangkutang anumalya.

Kaninang umaga, nagsimulang magtipun-tipon sa Makati City Hall compound ang ilang mga residente ng lungsod para suportahan ang kanilang alkalde.

Samantala, hindi umano tinanggap ng receiving clerk sa Makati City Hall ang suspension order mula sa Ombudsman.

Noong Marso ay naglabas din ng suspension order ang Ombudsman kaugnay naman ng umanoy overpriced na Makati City Hall Building 2 na humantong sa stand-off sa panig ng alkalde at ng bise-alkalde nitong si Romulo ‘Kid’ Peña makaraang magmatigas at tumangging bumaba sa pwesto si Mayor Binay. – Jimmy Tamayo/Ruel Perez

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.