Duterte binalaan ang Chinese companies sa bansa na wag magkanlong ng illegal foreign workers

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese real estate firms sa bansa na huwag gawing kanlungan ng mga undocumented foreign workers ang kanilang negosyo.

Sa talumpati ng pangulo sa Golden Topper Corporate launch sa Parañaque City Miyerkules ng gabi, sinabi nito na hindi rin dapat na gawing lugar ng manufacturing o trafficking ng illegal drugs ang kani-kanilang mga negosyo.

“I stress that your buildings should never serve as haven for undocumented foreign workers or for the manufacture of, and trafficking of, illegal drugs,” ani Duterte.

Matatandaang dagsa na sa bansa ang mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub.

Una rito ay umangal si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagdagsa ng POGO workers sa pangambang espiya ang mga ito.

 

Read more...