Residential area sa Navotas City nasunog

By Rhommel Balasbas September 26, 2019 - 03:15 AM

Screengrab of John Custer Quinto video

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Tangos, Navotas City pasado alas-10:00 Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Navotas City Fire Marshall Supt. Bartolome Biliran, nag-umpisa ang sunog sa kwarto sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Joel Ferrer.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out alas-11:14 ng gabi.

Isang babae ang nasugatan sa sunog at agad na dinala sa ospital.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP-Navotas ang pinagmulan ng apoy.

Nasa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at umabot sa P80,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

TAGS: 15 pamilya, Barangay Tangos, Fire out, ikatlong alarma, light materials, Navotas City, residential building, sunog, 15 pamilya, Barangay Tangos, Fire out, ikatlong alarma, light materials, Navotas City, residential building, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.