DOH sa mga magulang: Kumpletuhin ang bakuna ng inyong mga anak

By Angellic Jordan September 25, 2019 - 11:33 PM

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na tiyaking nakatanggap ng kumpletong bakuna sa unang taon ng kanilang anak.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na dapat ding protektahan ang mga sanggol sa mga sakit na diphtheria, pertussis at tetanus sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Sinabi ng DOH na hindi lamang tigas at polio ang tutukan ng mga magulang.

Sa tala ng kagawaran, umabot na sa 167 ang naitalang kaso ng diphtheria sa bansa mula Enero hanggang Setyembre.

Sa nasabing bilang, 40 kaso ang nasawi.

Mas mataas ito ng kumpara sa naitalang 122 na kaso at 30 nasawi noong 2018.

Maliban sa bakuna, sinabi ng kagawaran na mayroon ding nakahandang antibiotics kontra sa sakit.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang pagtutok ng kagawaran sa mga kaso ng diphtheria sa bansa.

Magsasagawa rin anila sila ng imbestigasyon kung ano ang rason ng pagdami ng kaso ng nasabing sakit.

 

TAGS: antibiotics, bakuna, diphtheria, doh, Magulang, pertussis, Polio, sanggol, tetanus, antibiotics, bakuna, diphtheria, doh, Magulang, pertussis, Polio, sanggol, tetanus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.