LPA sa bahagi ng Catanduanes nakapasok na sa PAR
By Angellic Jordan September 25, 2019 - 11:11 PM
Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 1,145 kilometers Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Sinabi ng PAGASA malabo itong maging bagyo at sa halip, posible itong malusaw sa susunod na 36 hanggang 48 na oras.
Dahil dito, walang magiging masamang epekto ang LPA sa anumang parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.