Umanoy ‘drug queen’ ng Maynila itinangging sangkot siya sa droga

By Len Montaño September 25, 2019 - 11:02 PM

Facebook photo

Mas pinili ni dating Barangay 484 Chairwoman Guia Gomez Castro ng Sampaloc, Manila na manahimik sa gitna ng taguri sa kanyang “drug queen” dahil sa umanoy pagkasangkot sa droga.

Si Castro ang pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na umanoy kasabwat ng mga “ninja cops” o mga tiwaling pulis sa kalakalan ng ni-recycle na mga droga na nakumpiska sa anti-drugs operations.

Sa isang pahayag na ipinarating sa publiko ng isang malapit sa kanya, sinabi ni Castro na hindi niya kilala ang mga pulis na umanoy kanyang kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga.

Hindi umano siya paniniwalaan ng publiko dahil nahusgahan na siya kaya mas mabuting siya ay manahimik na para sa kanilang kaligtasan.

Pangamba ni Castro, wala na umanong pagkakataon na ipagtanggol ng isang inaakusahan ang sarili at bigla na lang binabaril kahit walang patunay.

Sa gitna ng pagtugis ng otoridad kay Castro ay kumpirmadong nakalabas na ito ng bansa.

 

TAGS: barangay chairwoman, Droga, drug queen, Guia Gomez Castro, itinanggi, ninja cops, PDEA, PNP, recycle, barangay chairwoman, Droga, drug queen, Guia Gomez Castro, itinanggi, ninja cops, PDEA, PNP, recycle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.