DA pumirma na ng kasuduan sa dalawang NGO kaugnay sa hybrid rice sa bansa

Pormal nang pumirma ang Department of Agriculture (DA) ng isang kasunduan sa Agritech Corporation at Go Negosyo para sa pagpapatupad ng hybrid rice sa bansa.

Isinagawa ang nasabing aktibidad sa opisina ni DA Secretary William Dar, pasado alas-3:00, Miyerkules ng hapon, Sept. 25.

Nakasaad sa kanilang kasunduan ang mga tungkulin ng bawat ahensya na kasama na kasunduan.

Ang DA ang gagawa ng polisiya, public investment at iba pang support services.

Magiging katuwang naman ang Agritech Corporation sa production at pag promote ng hybrid rice sa bansa at sa Asya.

Ang Agritech din ang gagawa ng panuntunan para sa Masaganang Ani 300 award.

Tutulungan naman ng Go Negosyo para maipasok sa merkado ng bansa ang hybrid rice at para tulungan din sa pagnenegosyo ang mga magsasakang magtatanim ng hybrid rice at katuwang din ito para sa gagawing Masaganang Ani 300 Award sa Palasyo ng Malacañang.

Maliban kay Dar, pinasinayaan ang nasabing aktibidad nina Mr. Jose Ma. Concepcion, Founder ng Go Negosyo at Dr. Henry Lim Biong Liong, CEO ng Agritech Corporation.

Read more...