Lacson pinagso-sorry at tinawag na isip-bata sa Kamara

Inquirer file photo

Pinagso-sorry ng mga kongresista si Senador Panfilo Lacson kaugnay sa akusasyon niya na mayroong P1.5 Billion pondo ang bawat deputy speakers ng Kamara.

Sa privilege speach ni Capiz Rep. Fred Castro, tinawag nila na isip bata, reckless at iresponsable si Lacson dahil sa mga pahayag na nakakasira ng reputasyon ng mga kongresista lalo na ng mga baguhang mambabatas na bitbit ng kanilang idialismo.

Giit ni Castro parang isang bata si Lacson na hindi nag- iisip na grandstanding at habitual na ang ginagawa sa pag-aakusa sa mga kongresista.

Ginawa anya ng senador ang akusasyon noong deliberasyon din ng 2019 budget at sinabing mayroong nakasingit na pork barrel funds.

Bwelta pa ni Castro na iresponsable si Lacson dahil hindi man ang bineripika ng senador sa kanyang source kung tunay ang nakuhang impormasyon at kung mayroon itong ibidensiya o nagkaroon lamang sana ng initiative para magtanong kay Speaker Alan Peter Cayetano at dating Sen. Loren Legarda.

Sa Interpellation naman ni House Minority leader Benny Abante tinanong niya si Castro kung nararapat lamang na tawagin isip bata si Lacson na sinagot naman nito na macho at gwapo sana ang senador subalit isip bata.

Dahil dito kaya inoobliga nina Castro, Abante at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na mag sorry si Lacson gayundin ang liderato ng Senado dahil bigong disiplinahin ang kanilang miyembro.

Read more...