Global Witness tagakalat ng fake news ayon sa Malacanang
“Source ng kasinungalingan”.
Ito ang tugon ng Malacanang sa pahayag ng international rights watchdog na Global Witness na pumalo na sa 113 na land defenders at environmentalists ang napapatay sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tagapagkalat ng fake news ang naturang grupo.
Political propaganda lamang aniya ang ginagawa ng United Kingdom-based group na Global Witness.
Wala naman aniyang bago sa banat ng grupo kung hindi ang ipahiya lamang si Pangulong Duterte.
Ayon sa grupo, lalong tumapang umano ang mga killers dahil sa mga pahayag ni Pangulong Duterte na patayin ang kanyang mga kritiko bagay na pinasisinungalingan ng Malacanang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.