Sa ilalim ng House Resolution 353 na inihain ni Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento, ang Traffic Crisis Inter-Agency Management Council ay bubuuin ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Department of Interior and Local Government, Metro Manila Development Authority, LTFRB, LTO, at PNP-Highway Patrol Group.
Layunin nito na pag-isahin at i-harmonize ang mga polisiya para masolusyunan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA GM Jojo Garcia, suportado nila ang resolusyon dahil malinaw ang papel ng bawat ahensya.
Paliwanag nito, kailangan lang naman talaga na magkaroon ng pangil ang batas para maging organisado ang mga polisiya.
Sabi ni Garcia, coordinated ang kilos ngayon dahil merong direktiba si Pang. Duterte sa local government units sa pamamagitan ng DILG.