Panukala na lumikha ng Traffic Crisis Inter-Agency Management Council lusot na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon September 25, 2019 - 01:01 PM

Aprubado na sa House Transportation Committe ang panukala para sa paglikha ng Traffic Crisis Inter-Agency Management Council.

Sa ilalim ng House Resolution 353 na inihain ni Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento, ang Traffic Crisis Inter-Agency Management Council ay bubuuin ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Department of Interior and Local Government, Metro Manila Development Authority, LTFRB, LTO, at PNP-Highway Patrol Group.

Layunin nito na pag-isahin at i-harmonize ang mga polisiya para masolusyunan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA GM Jojo Garcia, suportado nila ang resolusyon dahil malinaw ang papel ng bawat ahensya.

Paliwanag nito, kailangan lang naman talaga na magkaroon ng pangil ang batas para maging organisado ang mga polisiya.

Sabi ni Garcia, coordinated ang kilos ngayon dahil merong direktiba si Pang. Duterte sa local government units sa pamamagitan ng DILG.

TAGS: House Resolution 353, traffic, Traffic Crisis Inter-Agency Management Council, House Resolution 353, traffic, Traffic Crisis Inter-Agency Management Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.