Mga amyenda ng Kamara sa panukalang 2020 budget pakikinabangan ng iba pang ahensya ng pamahalaan

By Erwin Aguilon September 25, 2019 - 12:58 PM

Iginiit ni House Majority Leader Martin Romualdez na maraming ahensya ng gobyerno ang makikinabang sa amyenda ng Kamara sa panukalang P4.1 trillion national budget sa susunod na taon.

Ayon kay Romualdez, bukod sa idaragdag ang P3 billion dito para pambili ng palay ng mga magsasaka, mabibigyan din ng karagdagang alokasyon ang DILG at PNP.

Gagamitin naman ito sa development outlays para sa operasyon sa pagpapatayo ng elementary, junior, senior high schools at construction of day care centers sa buong bansa.

Mayroon ding dagdag na pondo para sa natural resources conservation development program at protective areas development management ng DENR.

Ilan pa sa mga ahensya na magbebenepisyo ay ang DOH, National Center for Mental Health, Quick Responde Fund (QRF) ng UP-PGH, gayundin ang DOTr, Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Sports Commission (PSC), budgetary support para sa government corporations, at local government units (LGUs).

Ang kabuuang P9.5 billion na ililipat na pondo ay huhugutin sa P5.7 billion na pondo para dapat sa Barangay at SK election at sa P3.7 billion right of way funds ng DPWH.

TAGS: 2020 budget, House of Representatives, national budget, 2020 budget, House of Representatives, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.