6 na kulektor ng ilegal na STL arestado sa Quezon

Arestado ang anim na kulektor ng taya para sa ilegal na operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa bayan ng Sariaya sa Quezon.

Nadakip ng Anti-illegal gambling operatives sina Lito Matibag, Donald Bukid, Nilo Magpantay, Gary Estoya, Juanito Dimaculangan, at Eduardo Sumadsad na naaktuhan habang nangungulekta ng taya sa Barangay Bantilan.

Ayon kay Colonel Audie Madrideo, Quezon police director, nakumpiska sa anim na suspek ang STL bet collection forms, paraphernalia, calculators at ang mga pera.

Nabigo umano ang mga suspek na magpakita ng ID na inisyu ng Pirouette Gaming Corp., na tanging licensed STL operator sa lalawigan.

 

Read more...