4 na suspek kabilang ang 1 dayuhan sa pambobomba sa Isulan Public Market naaresto sa Sultan Kudarat
Apat na katao kabilang ang isang Swedish national ang naaresto sa joint military and police operation sa Barangay Kayaga Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Kinumpirma ng militar na ang apat ay suspek sa pambobomba sa palengke sa Isulan noong September 7 na ikinasugatan ng pito katao.
Kinilala ni Philippine Army 6th ID Chief, Major General Diosdado Carreon ang mga naaresto na sina Abedin Camsa; Normia Camsa, Norshiya Camsa pawang mga residente ng barangay Kapaya at ang Swedish na si Hassan Akgun.
Nasabat rin sa operasyon ang ilang mga armas at gamit sa pag-gawa ng bomba.
Kabilang sa nakumpiska ang isang M-16 armalite rifle, isang .45 caliber, .38 revolver, isang shotgun, mga IED, mobile phones, 2 gallon ng gundpowder substance, time devices, 4 na batteries at backpack na may IS flag.
Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin John Encinas, ang pagkaka-aresto sa apat na suspek ay malaking “breakthrough” sa pagresolba sa serye ng pambobomba sa Isulan at kalapit na lugar.
Ang apat ay dinala na sa Sultan Kudarat provincial police office para sa dokumentasyon at paghahanda sa isasampang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.