Buntis na empleyado ng mall arestado sa pagnanakaw ng panty sa Cebu

Hindi nakalusot sa seguridad ng mall ang empleyado ng tindahan dahil sa pagnanakaw ng panty sa Barangay Mabolo, Cebu.

Arestado ang 23-anyos na empleyado na apat na buwang buntis nang makuha sa kanya ang isang pares ng underwear na nagkakahalaga ng P149.

Umiiyak na dinala sa Mabolo police station ang ginang at nagmamakaawa na patawarin siya dahil hindi naman sinasadya na tangayin ang underwear.

Katwiran nito, ginamit niyang panyo ang panty dahil nakalimutan daw niyang magdala ng pampahid sa kanyang pawis.

Nababahala ang ginang kapag nakulong siya dahil sa kanyang kundisyon.

Read more...