Grade 4 student sa Maynila hinihinalang nasawi dahil sa sakit na diphtheria
Isang bata ang nasawi sa Maynila dahil sa hinihinalang kaso ng diphtheria.
Ayon kay Josefina de Guzman, school nurse ng Zamora Elementary School, isang estudyante nila ang nilagnat noong Sept. 13 at mula noon hindi na siya nakapasok.
Nakitaan din ang bata ng mga singaw sa bibig at rashes at noong Sept. 20 ay pumanaw ito.
Sa labas naman ng Zamora Elementary School nagpaskil ng paalala na ligtas pumasok ang mga bata sa kanilang mga klase kahit may hinihinalang pagkasawi dahil sa diphtheria.
May ganitong paalala din sa katabing Bagong Diwa Elementary School.
Nagsagawa na ng clinical diagnosis ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para matiyak kung diphtheria ngay ang ikinasawi ng 10 taong gulang na estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.