National Day of Remembrance para sa road crash victims isinusulong ni Sen. Bong Revilla
Gusto ni Senator Ramon Revilla Jr. na maideklarang National Day of Remembrance para sa mga biktima ng aksidente sa kalsada ang ikatlong linggo ng Nobyembre.
Kasabay nito ang pagpapahayag ng pagkabahala ni Revilla sa lumolobong bilang ng mga aksidente sa kalsada kada taon.
Binanggit nito na base sa datos ng World Health Organization (WHO), 1.2 milyon katao ang namamatay sa mga aksidente sa kalsada kada taon sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas, ayon kay Revilla, ito ang unang dahilan ng pagkamatay ng mga kabataan na may edad 15 hanggang 19.
Pinansin naman ni Revilla na may mga programa na para mapalawig ang kamalayan sa kaligtasan sa kalsada.
Ang United Nations may deklarasyon na World Day of Remembrance for Road Traffic Victims ang pangatlong Linggo ng Nobyembre kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.