7 miyembro ng Boracay Dragon Boat Team patay sa pagtaob ng sinasakyang bangka

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2019 - 11:20 AM

Patay ang pitong katao sa pagtaob ng isang bangka sa Tulubhan area sa Boracay.

Ayon kay Senator Richard Gordon, rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa lumubog na dragon boat.

Bagaman nailigtas ang 14 na sakay ng bangka ay 7 naman ang nasawi.

Sinabi ni Gordon na pinagkalooban na ng Red Cross ng psycho social therapy ang mga nakaligtas.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon naman sa Phillippine Coast Guard (PCG) lulan ng bangka ang mga miyembro ng Boracay Dragon Boat Team.

Sinabi ni Coast Guard spokesman, Capt. Armand Balilo, naganap ang insidente alas 7:40 ng umaga ng Miyerkules (Sept. 25) sa Sitio Lingganay, Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island.

Dinala sa Saint Gabriel Hospital ang mga nakaligtas.

TAGS: Boracay Aklan, Boracay Dragon Boat Team, radyoinquirer, Tulubhan area, Boracay Aklan, Boracay Dragon Boat Team, radyoinquirer, Tulubhan area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.