Base sa Republic Act No. 11458 o Sotto Law, hindi na oobligahin ang mga mamahayag na ibunyag ang kani-kanilang source sa balita.
Aamyendahan ng bagong batas Republic Act No. 53 o mas kilala bilang “The Sotto Law” kung saan naging author si dating senador Vicente Yap Sotto, ang lolo ni Senate President Vicente Sotto III.
Maari lamabg ibunyag ang source kung ipag-uutos ng Korte Suprema at ng kongreso lalo na kung nalalagay sa alangain angseguridad ng bansa.
Saklaw ng batas ang mga accredited journalist, publisher, writer, reporter, contributor, opinion writer, editor, columnist, manager, at media practitioner na kasama sa pagsusulat, pag-edit, pagpo-produce at paglalahad ng balita sa publiko sa broadcast media, wire organizations at electronic mass media.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong Aug. 30.