Sotto Law pirmado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu September 25, 2019 - 10:04 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng mas magandang proteksyon sa mga mamahayag na nasa broadcast media kabilang ang cable television, wire service organizations, at electronic mass media.

Base sa Republic Act No. 11458 o Sotto Law, hindi na oobligahin ang mga mamahayag na ibunyag ang kani-kanilang source sa balita.

Aamyendahan ng bagong batas Republic Act No. 53 o mas kilala bilang “The Sotto Law” kung saan naging author si dating senador Vicente Yap Sotto, ang lolo ni Senate President Vicente Sotto III.

Maari lamabg ibunyag ang source kung ipag-uutos ng Korte Suprema at ng kongreso lalo na kung nalalagay sa alangain angseguridad ng bansa.

Saklaw ng batas ang mga accredited journalist, publisher, writer, reporter, contributor, opinion writer, editor, columnist, manager, at media practitioner na kasama sa pagsusulat, pag-edit, pagpo-produce at paglalahad ng balita sa publiko sa broadcast media, wire organizations at electronic mass media.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong Aug. 30.

TAGS: president duterte, Republic Act No. 11458, sotto law, president duterte, Republic Act No. 11458, sotto law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.